Nasungkit ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang kampeonato sa 1st International Pole Vault Meeting sa Halberstadt, Germany!
Ito ay matapos niyang malampasan ang 5.76 metro sa kanyang unang pagtatangka upang manguna sa 10 kalahok.
Sinubukan niyang maabot ang 5.90 metro nang tatlong beses ngunit hindi ito nalampasan.
Samantala, pumangalawa si Abdelsalam Seifeldin ng Qatar (5.66m) at pumangatlo si Walsh Cole ng United States (5.56m).
Ang panalo ay nagsilbing pagbawi ni Obiena matapos ang runner-up finish niya sa Meeting Madrid kamakailan.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

