Naglaan ang Department of Trade and Industry (DTI) ng P2 bilyong pondo para sa mga transport operator at driver na nais lumipat sa electric vehicles.
Sa ilalim ng programang inilunsad, sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SBCorp), maaaring umutang ng hanggang P1.5 milyon kada sasakyan at hanggang P3 milyon bawat borrower.
Maaari naman umano itong bayaran sa loob ng limang taong hulugan at hanggang isang taong grace period.
Magsisimula ang aplikasyon sa Abril 21, 2026 sa pamamagitan ng SBCorp Money app.
Sa iba pang karagdagang impormasyon, maaaring bumisita ang publiko mga opisina ng DTI at mga Negosyo Center sa buong bansa.

Share.