Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa may-ari at driver ng isang sasakyan kaugnay ng umano’y paninigaw, pananakot, at pananakit sa isang empleyado ng gasolinahan na nakuhanan ng video sa Bacoor, Cavite.
Ayon sa LTO, itinulak, sinakal, at tinakot din umano ng driver ang gasoline girl dahil sa hindi pagkakaunawaan sa kanilang transaksyon.
Inatasan ang may-ari at driver ng Toyota Innova na humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO sa Abril 14 upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang lisensya ng driver sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Dahil dito, suspendido ng 90 araw ang lisensya ng driver, habang inilagay sa alarm status ang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ahensya.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

