Nakatakdang itayo ang kauna-unahang pasilidad para sa Down syndrome sa Pilipinas, kung saan kasado ang konstruksyon sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa Legazpi City, Albay, ayon sa NORFIL Foundation, Inc.
“The (Down Syndrome) Hub aims to break down barriers and provide essential services for children with Down syndrome through a state-of-the-art site, advanced medical equipment, and professional (para) medical staff,” pahayag ng organisasyon.
Nilalayon ng proyekto, sa pangunguna ng NORFIL Foundation at pakikipagtulungan sa BRHMC, na tanggalin ang mga hadlang sa healthcare accessibility para sa mga batang may ganitong kondisyon.
Sa Facebook post, sinabi ng NORFIL na buo ang commitment nina Dr. Eric Raymond N. Raborar, medical chief ng BRHMC, at Dr. Mariegella Ciocson, pinuno ng pediatrics department ng ospital, sa inisyatiba.
“The next milestone will be the groundbreaking in March,” anang NORFIL foundation.
Kapag nakumpleto, magsisilbi ang Down Syndrome Hub bilang espasyo para makatanggap ang mga bata ng specialized care.
Trending
- Bacolod Masskara Chess sa Oktubre
- Dableo squad naghari Inter-Barangay Chess
- ILLEGAL GAMBLING, DRUGS :LIMA NALAMBAT
- PADUA HARI SA MARIKINA RAPID CHESS
- Alex Eala angat sa mundo
- NAVOTAS, ABOITIZ, DENR PARA SA REHABILITASYON NG ILOG
- NHA BENEFICIARIES LAS PIÑAS INAYUDAHAN
- PARAÑAQUE:TRANSPARENCY SA BUDGET ISINULONG