Hindi napigilang humanga ni Ogie Diaz at ng kanyang mga kasama sa kanilang online show kay Donny Pangilinan.
May kinalaman ito sa ginawang pagtulong ni Donny sa mga residenteng nasunugan.
Naganap ang sunog kamakailan sa hindi binanggit na lugar.
Ang tiyak–ayon na rin sa isang netizen na nag-post sa X (dating Twitter) –sinaklolohan sila ni Donny.
“Tough time” kung ilarawan ng netizen ang pinagdaanan ng mga biktima whose houses were razed to the ground.
Nagdala raw kasi ng mga mattresses si Donny para matulugan ng mga nasunugan.
Bukod dito’y nagpamahagi rin ng ilang probisyon si Donny para sa mga personal na pangangailangan ng mga residente.
“Ipagpatuloy mo ‘yan, Donny…pinahanga mo kami!” sabi ni Ogie.
Pagbibida pa ng nag-report na netizen, obyus na bukal sa loob ang ginawang pagtulong ng Kapamilya actor.
Hindi raw nakikitaan ito ng bahid-pulitika.
Si Donny ay anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.
His response could be interpreted as “political” dahil ang tiyuhin niyang si Kiko Pangilinan ay tumatakbong senador.
But it wasn’t clearly the case, na siyang ikinabilib sa kanya ng mga netizens.
A public servant in the making.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

