Marami ang nagtaka at nagulat sa biglaang pag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram ng magkaibigang Donny Pangilinan at Maymay Entrata.
Magakagalit daw ba ang dalawa?
Ang akala ng mga faney ay mas magiging close pa sila dahil nagkasama sila sa isang action drama series.
Kaliwa’t kanan ang hula sa social media ng mga netizen.
May ilang nagsasabi na baka raw nagseselos ang mga faney nina Donny at Belle Mariano kay Maymay kaya’t minabuti ni Donny na i-unfollow na lang si Maymay.
At ang isa pang nagpapainit sa isyu ay ‘yung kumakalat na chikang baka naman daw pinagseselosan ng boyfriend ni Maymay na si Joaquin Enriquez si Donny kaya nauwi umano sa pag-unfollow ang aktres kay Donny
‘Yan ay mga haka-haka pa lamang.
Sina Donny at Maymay lang ang nakakaalam kung bakit hindi na nila pina-follow sa Instagram ang isa;t-isa.
Sa ngayon, wala pang pahayag o paliwanag ang magkabilang kampo, kaya malilikot pa ang imahinasyon ng netizens sa isyu.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

