Babalik na sa orihinal na 5-day na workweek arrangement ang Department of Labor and Employment (DOLE) simula Hunyo 1, matapos pirmahan ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino ang memorandum na nagpapanumbalik sa standard workweek structure para sa lahat ng DOLE bureaus, services, regional offices, at attached agencies nitong Huwebes, Mayo 28.
Kamakailan ay nagpatupad ang DOLE ng compressed workweek (CWW) bilang pagsunod sa Memorandum Circular (MC) No. 114 ng Office of the President, na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na mahigpit na magpatupad ng energy conservation protocols para maibsan ang epekto ng global market volatility.
Pinayagan din ng MC 114 ang mga alternative work arrangement, gaya ng 4-araw na workweek, para mabawasan ang energy footprint ng public sector.
“Bilang pangunahing ahensyang responsable sa labor standards at social protection, at upang matugunan ang non-impediment clause ng MC No. 114 at magampanan ng Kagawaran ang mandato nito sa publiko, binabawi na ang pansamantalang 4-araw na compressed workweek arrangement, at pormal nang ibinabalik ang standard 5-araw na workweek structure,” nakasaad sa memorandum ng DOLE.
Bumaba nang malaki ang konsumo ng kuryente ng DOLE mula 113,560 kWh noong Pebrero 2026 tungo sa 100,720 kWh noong Marso 2026 matapos ipatupad ang CWW, habang bumaba rin ang konsumo sa gasolina mula 4,722.85 litro tungo sa 3,752.63 litro para sa parehong panahon, o katumbas ng 970.22 litro na nabawas.
Tiniyak ng Kagawaran na patuloy pa rin nitong ipatutupad ang mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya kahit bumalik na sa 5-araw na workweek.
Trending
- Iran football team nagpasya sa Mexico muna manirahan sa kasagsagan ng FIFA World Cup
- Llover vs Angeletti gaganapin sa Hunyo 6
- Regine, sumailalim sa voice treatment
- Mariel, may cryptic post, depensa kay Robin!
- Anak ni Dennis, naaksidente
- NBI, tutugisin pa rin si Sen. Jinggoy maging sa loob ng Senado!
- Lalaking nagpanggap may alam sa kinaroroonan ni Sen. Bato Dela Rosa, kulong
- PBBM, tutol sa online voting ng mga senador
