Hindi itinago ni Ivana Alawi ang ilan sa kinikita niya mula sa Facebook videos para ipakita kung paano niya ginagamit ang kanyang social media platform sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Sa isang video na ibinahagi niya sa Facebook, ipinakita ng aktres-content creator ang earnings mula sa tatlo niyang content, kabilang ang mga video tungkol sa pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng baha sa Pampanga.
“Magkano nga ba ang kinikita ko sa mga videos ko sa Facebook? Ipapakita ko sa inyo kung magkano din ang naitutulong n’yo kaya lagi kong sinasabi, ang tulong na ginagawa natin is not just from me kungdi galing din sa inyo,” ani Ivana.
Dagdag pa niya, “And okay maging transparent para at least, alam n’yo din.”
Isa sa ipinakita niyang videos ang tungkol sa kanyang pagtulong sa mga binaha, na umani ng 38 million views at nakalikom ng $2,082 o tinatayang P129,103.
Nilinaw naman ni Ivana na hindi awtomatikong katumbas ng malaking kita ang milyon-milyong views.
“Hindi ibig sabihin, 38 million ay may 1 million pesos ka na. This is my platform kung saan ako namimigay, nagse-share ng blessings. Galing din ito sa inyo. Kung anuman ang kinikita nito, binabalik ko lang din,” paliwanag niya.
Bukod sa Facebook earnings, sinabi rin niyang ginagamit niya ang kinikita mula sa kanyang mga negosyo at investments para madagdagan ang naipangtutulong niya.
“Meron din akong mga rental properties. Mahilig akong mag-invest sa mga lupain, sa bahay. At kumukuha din ako do’n para makapagtulong din kasi I have more than enough,” saad ng aktres.
Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang platform at mga endorsement.
“I’m blessed, nabigyan n’yo ako ng ganitong platform na makakapag-share tayo ng blessings especially sa bansa natin ngayon na. . . Sino pa ba ang magtutulungan kungdi tayo-tayo,” dagdag niya.
Ibinahagi rin ni Ivana na bukod sa social media at negosyo, nakatutulong din sa kanyang advocacy ang kinikita niya mula sa mga endorsement.
“And this is my platform kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Kung gusto kong tumulong, tutulong tayo. At kung gusto kong mamigay, mamigay tayo. Kaya wala akong pakialam. Gawin n’yo kung anon’g gusto n’yong gawin sa platform n’yo,” pahayag niya.
Hindi rin pinalampas ni Ivana ang mga natatanggap niyang batikos kaugnay ng kanyang pagtulong.
“Sa mga nagkakalat ng hate, wala akong pakialam sa kanila kasi sobrang bitter siguro ng buhay nila. So, pinapanood n’yo na lang ako. Thank you,” sey niya.
Samantala, ipinakita rin niya ang kita mula sa dalawa pa niyang videos. Ang content tungkol sa pagbili ng relief goods ay kumita ng $2,338.65 o tinatayang P144,996, habang $1,049.55 o nasa P65,096 naman ang kinita ng video kung saan nagre-repack siya ng mga ayuda.
Sa tatlong videos, umabot sa P313,598 ang kabuuang earnings. Samantala, P193,125 ang ginastos niya para sa relief goods at P102,000 naman para sa bigas. Mayroon ding P25,597 na inilaan para sa VAT at income tax.
Hindi doon nagtapos ang pagtulong ni Ivana dahil makikita rin sa kanyang video na muli siyang bumili ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga nangangailangan, na umabot sa P320,092.95 ang halaga.
======
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
