Inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Veitnamese national na nagpapangap na mga doctor sa isinagawang entrapment operation sa Quezon City noong Miyerkules
Kinilala ni MGen Nicolas Torre III Director CIDG ang 2 Vietnamese national na inaresto sa alias Linh at Phuong.
Ayon kayTorre, isinagawa ang entrapment operation ng pinagsanib na elemento ng CIDG Quezon City Distirct Field Unit at Quezon City Police Station sa Blis Beuty na matatagpuan sa 125 Don Roces Avenue, Quezon City.
Sa report, nagpapangap na mga doctor ng dalawang Vietnamese national at nagsasawa ng mga “breast at butt augmentation procedure”.
Inaresto ng mga otoridad ang dalawang suspek nang walang maipakitang kaukulang mga lisensiya at permit na mula sa Professional Regulation (PRC) at Department of Health (DOH).
Nasamsam ang iba’t-ibang mga medical product at prescription drug kabilang ang collagen injectables, botulinum toxin, disposable syringes, Juvederm fillers, Amoxicillin, Tranexamic Acid, Telfast HD at iba pang mga, medical supplies. Tinatayang nagkakahalaga ng P500,000.00 ang mga narekober na item.
Nahaharap ang dalawang Vietnamese national sa kasong paglabag sa RA 2382 (The Medical Act of 1959).
Trending
- Tennis greats umapela sa mga Grand Slams
- UK, binuksan ang unang open door wrestling
- Ate Guy, nag-throwback sa malasakit ni Sen. Bong Go
- Kathryn, pabagu-bago ang marrying age
- Alden, mag-aaral maging piloto
- Nonito Donaire asinta trilogy versus Naoya Inoue
- Alex Eala magpapahinga, “Me Time” muna
- Daniel ninong sa binyag, inuurutang gumawa na ng baby