Wala nang kinalaman ang Commission on Elections sa kinakaharap na kasong kriminal ni Sen. Rodante Marcoleta, ayon kay Chairman George Erwin Garcia.
Paglillinaw ni Garcia, tapos na ang papel ng Comelec sa kaso ng senador sa Sandiganbayan kaugnay sa campaign contributions nito noong 2025 National ang Local Elections .
Sinabi ni Garcia na usapin ng donasyon, kontribusyon at SOCE ang saklaw lang ng Comelec.
Ginawa ni Garcia ang pahayag nang sabihin ni Marcoleta sa pagdinig na dapat Comelec ang humarap ng kaso at hindi ang Sandiganabayan.
Aniya, tapos na ang tungkulin ng Comelec sa criminal aspect at wala nang pending case sa kanila. Multa na lang ang dinidinig nila ngayon .
Pero babala ni Garcia puwede pa ring kasalan ng ibang ahensya ang senador at ang mga donor kung may nila bag na ibang batas .
Nilinaw din ng poll chief na hindi ibig sabihin, ligtas na sa kaso ang mga nag-donate kay Marcoleta. 

Share.
Exit mobile version