Sinibak ng Phoenix Suns ang kanilang head coach na si Mike Budenholzer matapos lamang ang isang season.

Kasunod ito ng nakakadismayang kampanya ng koponan, na nasipa sa postseason contention sa kabila ng sakalam na roster na kinabibilangan nina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal.

Inanunsiyo ng Suns ang pagtanggal kay Coach Budenholzer nitong Martes nang tumapos ng 36-46 record at pumang-11 sa Western Conference.

Siyam din sa 10 huling laro nila ang olats kaya bigong makapasok sa play-in tournament.

“Competing at the highest level remains our goal, and we failed to meet expectations this season,” paliwanag ng team.

“Our fans deserve better. Change is needed,” dagdag nito.

Share.