Sobrang sweet ng birthday tribute ni Charlie Dizon para sa kanyang mister na si Carlo Aquino, na nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong September 3.

Sa Instagram, ibinahagi ni Charlie ang serye ng photos at videos na kuha sa kanilang mga simpleng bonding bilang mag-asawa.

Tampok dito ang iba’t ibang sweet at maalagang ginagawa ni Carlo para sa kanyang misis.

Makikita sa mga video ang aktor na minamasahe si Charlie, nagluluto at namamalantsa ng damit.

May mga kuha rin kung saan siya ang nagda-drive at nagpapayong sa kanyang asawa, bukod pa sa pag-aalaga sa kanilang pet at mga kuhang puno ng tawanan at kulitan nilang dalawa.

Kalakip ng mga larawan ang isang mensahe ni Charlie kung saan sinabi niyang espesyal para sa kanya ang mga ordinaryong sandaling nakikita niya ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa.

“Happy birthday to my husband, my favorite person, and my favorite view,” saad niya.

“These are the little moments I love the most, the ones where you’re simply being you. I’m so grateful that I get to see all the sides of you that not everyone gets to see—your kindness, patience, thoughtfulness, your silly side, and the way you love and care for the people around you,” dagdag pa ng aktres.

Hiling naman ni Charlie na masuklian si Carlo sa lahat ng kabutihan at pagmamahal na natural nitong ibinibigay sa kanyang mga mahal sa buhay.

“My wish for you is that life gives back all the love and goodness you naturally give to others,” ani Charlie.

Sa huli, tiniyak ng aktres na patuloy siyang nasa tabi ng kanyang mister bilang kanyang tagasuporta.

“I’ll always be here, cheering you on. Happy birthday, my love @jose_liwanag,” mensahe ni Charlie.
===

Share.
Exit mobile version