Isinusulong ni Bacolod Rep. Alfredo Abelardo Benitez ang anim na buwang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections upang mailaan ang pondo para sa pagtugon sa krisis sa presyo ng gasolina.
Ayon kay Benitez, ang ₱13 bilyon hanggang ₱14 bilyong nakalaan para sa halalan ay maaaring gamitin muna para sa agarang tulong sa mga apektadong sektor.
“Government should be prepared for a worst-case scenario by readying all available funds to respond effectively,” ani Benitez.
Nakasaad sa panukala na nakatakda ang eleksyon sa Nobyembre 2, ngunit mangangailangan ito ng bagong batas kung ipagpapaliban.
Gayunman, kinilala niya na maaaring harapin ng panukala ang legal na hamon, dahil posibleng ideklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang muling pagpapaliban kahit may “just cause”.
Tinalakay na rin sa Kamara ang mga hakbang upang tugunan ang tumataas na presyo ng gasolina, habang binigyang-diin ni Benitez ang pangangailangang paghandaan ang mas malalang sitwasyon dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Share.
Exit mobile version