Pumasok sa isang rehabilitation facility sa United States ang pop superstar na si Britney Spears dahil sa umano’y substance abuse.
Ayon sa report, matapos ito hikayatin siya ng mga malalapit sa kanya at kalaunan ay kusang pumayag na magpagamot.
Sinabi rin umano ng isang source na napagtanto rin nitong umabot siya sa “rock bottom”.
Unang naiulat na noong Marso, naaresto si Britney sa California dahil sa hinalang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak at droga.
Siya ay sumailalim sa sobriety tests, dinala sa kulungan, at kalaunan ay pinalaya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Si Britney ay isang pop icon at superstar noong ‘90s at 2000s at ang ilan sa kanyang hit songs ay “…Baby One More Time,” “Oops!…I Did It Again” at “Toxic”.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
