Pinigilan ng karamihang miyembro ng House Committee on Justice ang pagbubukas ng kahon na naglalaman ng tax returns ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
Sa botohan nitong Miyerkules, 38 miyembro ang bumoto laban sa pagbubukas ng kahon, habang anim lamang ang pumabor.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang mga dokumentong ito ay maaari lamang buksan “in aid of legislation” at sa executive session at hindi sa public hearing.
Dahil dito, nanatiling sealed ang kahon na isinumite ng ahensya noong nakaraang Linggo.
Ipinahayag ni Deputy Minority Leader Chel Diokno na sapat na ang ebidensiya upang makapagtakda ng probable cause para sa impeachment ni Duterte kahit hindi buksan ang kahon.
Aniya, mas mainam na hintayin ang Senado, bilang impeachment court, na magpasya kung bubuksan ang mga dokumento, bilang pag-iingat.
Sumang-ayon sina Deputy Speaker Janette Garin at Rep. Benny Abante, na nagsabing ang Kamara ay hindi pa impeachment court, kundi nagsasagawa lamang ng preliminary investigation.
Tinuligsa naman ni Senior Deputy Majority Leader Lawrence Defensor ang desisyon at tinawag itong “betrayal of public trust.”
Giit niya, ang hindi pagbubukas ng kahon ay tila pagtakip sa katotohanan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima na ang Constitution ang dapat manaig sa anumang batas gaya ng National Internal Revenue Code (NIRC), at hindi dapat limitahan ang kapangyarihan ng komite.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
