Natagpuan ang labi ng 13-anyos na binatilyo na inulat na nalunod nitong Biyernes sa ilog sa Sitio Daungan, Tabun Riverside, Mabalacat City, Pampanga na napadpad ito sa tabing ilog sa Barangay Lourdes, Bamban, Tarlac nitong Sabado, Agosto 15, 2026.
Sa ulat, nagtulungan ang Mabalacat City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Bamban MDRRMO sa inilatag na search and retrieval operations sa nawawalang teenager.
Naligo umano ang binatilyo sa malabong tubig ng ilog sa kasagsagan ng pag-ulan, na natangay ng malakas na agos at napadpad sa ilog sa karatig na lugar.
Pahirapan ang paghahanap sa labi ng biktima dahil sa malabong tubig na inabot ng dalawang araw bago ito ma-recover ng mga rescuer.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

