Ipaprayoridad ng pamahalaang lungsod ng Lipa, Batangas ang mahihirap na residente, sa halip na mga empleyado ng City Hall, sa pamamahagi ng 1,000 sako ng tig-limang kilong bigas na inialok ng tanggapan ni Batangas Rep. Leandro Leviste.
Sa opisyal na pahayag ng LGU-Lipa, sinabi nitong bagama’t nagpapasalamat sila sa anumang tulong na ipinagkakaloob sa lungsod, kinakailangan pa ring tiyakin ang maayos at patas na pamamahagi ng mga donasyon.
Ayon sa pamahalaaang lungsod, mahigit 2,300 ang empleyado ng lokal na pamahalaan kaya hindi sapat ang 1,000 packs ng bigas para sa lahat kung ito ay eksklusibong ilalaan sa mga manggagawa ng City Hall.
Dahil dito, iminungkahi ng LGU na unahin na lamang ang mga residenteng higit na nangangailangan ng tulong.
Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan na hindi nito hinaharangan ang sinumang nais magbigay ng ayuda at malaya ang mga donor na direktang mamahagi sa kanilang napiling mga benepisyaryo.
Pero kasabay nito, iginiit ng LGU-Lipa na hindi ito makikilahok sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa kaguluhang pampulitika at mananatili itong nakatuon sa pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Leviste na layunin ng kanyang programa na mabigyan ng bigas ang bawat pamilya sa Batangas.
Trending
- Llover, Casimero dumating na sa Japan
- Serena Williams sabik na sumabak muli sa tennis
- Gary V, may dasal sa Senado
- Netizens, pinuri ang feeding program ni Joel Torre
- Andrea Brillantes, Franchesko walang pa-couple post sa Africa
- Bigas mula kay Leviste ipamimigay sa mahihirap
- P480 traveler fee na mungkahi ng BI ‘di pa aprubado
- Higit P13m ismagel yosi inabandona sa Lanao Del Sur

