Inaresto ang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) nang manghingi ng P150,000 kapalit ng pagtanggap sa isang aplikante sa ahensya.
Ayon sa BFP nitong Huwebes, kinilala ang suspek na isang 36-anyos na Fire Officer 3 na nakatalaga sa BFP Ilocos Regional Office.
Nahuli ito sa isinagawang entrapment operation sa Dagupan City, Pangasinan matapos magsumbong ang 25-anyos na aplikante tungkol sa umano’y pangingikil.
Tinangka umanong tumakas ng suspek nang mapansin ang mga pulis ngunit kalaunan ay naaresto.
Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang marked money na pinaniniwalaang itinapon habang hinahabol siya.
Sinabi rin ng BFP na dati nang nasuspinde ang opisyal dahil sa kahalintulad na insidente.
Iginiit naman ng ahensya na walang bayad ang pagpasok sa BFP at nakabatay lamang sa merito at kwalipikasyon ang pagtanggap ng mga aplikante. 
====

Share.
Exit mobile version