Magbabalik na sa paglalaro sa NBA ang dating Philadelphia 76ers forward at three-time All-Star na si Ben Simmons matapos itong opisyal na pumirma ng kontrata sa Sacramento Kings.
Napagkasunduan ng magkabilang panig ang isang taong kontrata na nagkakahalaga ng $3.5 milyon para sa darating na panahon ng liga.
Bago ang kaniyang pagbabalik, nagpalakas at naglaro muna ang 30-anyos na manlalaro sa Australia para sa national basketball team ng kaniyang bansa, kung saan muli nitong naipakita ang kaniyang magandang kondisyon sa nagdaang offseason.
Dahil sa kaniyang ipinamalas na laro, pumasok sa radar ng ilang koponan tulad ng Minnesota Timberwolves at Golden State Warriors ang dating No. 1 overall pick, ngunit tanging ang Sacramento Kings lamang ang naghain ng pormal na alok ng kontrata.
Kilala si Simmons bilang isang mahusay na two-way player na may career averages na 13.1 points, 7.4 rebounds, 7.2 assists, at 1.5 steals sa kabuuang 383 regular-season games na inilaro nito sa 76ers, Brooklyn Nets, at LA Clippers.
Inaasahang malaki ang maitutulong ng kaniyang karanasan at depensa sa koponan ng Kings para sa kanilang kampanya sa mga susunod na laban.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
