Inilarawan ni Kapamilya actress Belle Mariano ang papel sa buhay niya ng ka-loveteam niyang si Donny Pangilinan.
Kilala ang loveteam ng dalawa sa bansag na “DonBelle.”
Sinabi umano ni Belle sa isang panayam na maituturing umano niya si Donny bilang blessing sa kaniyang buhay.
“I would say he is a person I can call whenever I’m feeling down. Talagang he is a blessing, not just to me but also to our supporters,” saad ni Belle.
“Noong una,” pagpapatuloy niya, “nahihiya akong kausapin siya (but) we are so close now. He is the person I can confide in. He is someone accountable. He is a blessing in a way, na I wouldn’t be here without him too, and our supporters too.”
Dagdag pa niya, “DonBelle is not DonBelle without Donny. So, he really is a blessing. With our connection, we are really close. Ano naman kami, open naman. He is really someone special to me.”
Matatandaang kamakailan lang ay ipinagtanggol ni Donny sina Belle at Shuvee mula sa pamumutakti ng mga basher.
Ito ay matapos kumalat ang video ng unexpected na pagkikita nina Donny at Shuvee sa isang event, dahilan para kiligin ang huli na tila hindi nagustuhan ng DonBelle fans.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

