Hinatulan ng life imprisonment at pinatawan ng P2 milyong multa ng korte ang isang babae dahil sa large-scale qualified trafficking.
Kinilala ng Department of Justice (DOJ) ang nahatulan na si Almira Arrojo y Buzeta, alyas “Joan.”
Sa desisyon noong Hulyo 2026, napatunayan si Arroji ng Korte na nag-recruit ng tatlong babae para magbenta ng sexual services kapalit ng pera.
Nagsimula ang kaso matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya kung saan nagkasa ng surveillance at buy-bust operation sa isang hotel sa Malate, Maynila.
Nagpanggap na customer ang mga pulis.
Naaresto si Arrojo nang tanggapin ang marked money kapalit ng sexual services.
Ayon sa DOJ, ipinresenta ng prosekusyon ang lahat ng elemento ng trafficking kabilang ang testimonya, documentary evidence, body-worn camera footage, marked money at resulta ng forensic UV examination.
Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na patunay ang hatol ng mahigpit na koordinasyon ng pulis at prosecutors laban sa mga human trafficker.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
