Isang insidente ng umano’y palihim na pagkuha ng video o larawan sa isang babae ang naiulat sa isang boarding house sa Kidapawan City.
Ayon sa isang Facebook post, sinabi ng isang babae na nakuhanan umano siya ng video o larawan ng kapwa boarder nang walang pahintulot habang nasa loob siya ng pribadong lugar, partikular sa comfort room.
Nabatid na ipinaalam sa may-ari ng boarding house ang insidente at agad namang pinaalis sa naturang boarding house ang umano’y sangkot na boarder.
Ibinahagi ng nag-post ang kanyang karanasan bilang babala at pagbibigay-kaalaman sa iba pang boarding house owners at mga babaeng nangungupahan upang maging mas maingat sa kanilang seguridad at privacy.
Hinimok din ang mga boarder na agad ipagbigay-alam sa may-ari ng boarding house ang anumang kahina-hinalang kilos, gaya ng pagkakabit o paglalagay ng cellphone sa lugar na maaaring gamitin sa palihim na pagkuha ng larawan o video.
Samantala, ipinaalala na ang hindi awtorisadong pagkuha ng larawan o video sa isang tao sa pribadong sitwasyon ay maaaring pumasok sa ilalim ng Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, depende sa mga pangyayari at resulta ng imbestigasyon.
Paalala sa publiko:
Ang ulat ay batay sa isang social media post at hindi pa nangangahulugang napatunayang nagkasala ang sinumang indibidwal.
Ang anumang reklamo ay dapat idulog sa kinauukulang awtoridad para sa wastong imbestigasyon.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

