Nakatakda na sa darating na May 16 ang pag-iisang-dibdib nina Bea Alonzo at ng negosyanteng nobyong si Vincent Co.
Ito’y makaraan ang anunsyo ng kanilang marriage banns sa isang simbahan sa Paco, Maynila.
Ayon sa ulat, magkakaroon ng palitan ng “I dos” ang magkasintahan sa isang pribadong vineyard sa Spain.
Ang vineyard ay pag-aari umano ng pamilya Co.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may apartment naman si Bea sa Madrid, kabisera ng Spain.
Sa itinakdang kasal nina Bea at Vincent, balitang may inarkila nang private plane na maghahatid sa mga dadalo.
Matatandaang Marso 8 nang ianunsyo ang una sa tatlong marriage banns nina Bea, 38, at Vincent, 44 sa St. Peter the Apostle Parish Church sa Paco, Manila.
Sa Paco rin inilagay ang place of residence ng magkasintahan.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

