Nanguna sa Philippine Military Academy (PMA) “Talang Dangal” Class of 2026 ang Batangas-born Cadet First Class Christine Kay Librada, at siya ay itatalaga bilang junior military officer ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mayo 16, 2026, kasama ang 206 niyang mga kaklase.
Si Librada, isa sa mga babaeng kadete, ang topnotcher ng 207 na miyembro ng graduating class ngayong taon. Siya ay kabilang sa 65 babaeng kadete ng PMA Class of 2026.
Pumangalawa si Cadet First Class Mark John Vincent Catacutan ng Zamboanga del Sur, sinundan ni Thomas Sepulchre ng Pampanga sa ikatlong puwesto, at Ian Harold Hubilla ng Sorsogon sa ikaapat.
Kabilang naman sa top 10 sina Cadet First Class Maeg Adriene Bermudez ng Tarlac (5th), Cherry Mae Geco ng Capiz (6th), Elixa Anya Hernandez ng Batangas (7th), Catherine de Chavez ng Batangas (8th), Cedric Cyril Polizon (9th), at Mark Clement Centina (10th).
Apat sa kababaihan ang nasa top ranks ng batch, kabilang sina Librada, Bermudez, Geco, Hernandez, at de Chavez.
Ayon sa PMA, ang “Talang Dangal” Class of 2026—mula sa salitang Tagapagtanggol ng Lahing Dakila at Marangal—ay bubuuin ng 207 kadete na itatalaga sa Armed Forces of the Philippines, kung saan 76 ang sasabak sa Army, 69 sa Navy, at 62 sa Air Force.
Ang graduating class ay binubuo ng mga kadete mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa kabilang ang Cordilleras, Calabarzon, Metro Manila, Bicol, at Central Visayas.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

