Ligtas na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 31-anyos na mangingisda matapos lumubog ang kanyang motorbanca sa karagatang sakop ng Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon noong Huwebes, Agosto 13.
Kinilala ang biktimang si Rommel Roco, residente ng Sitio Ilawod sa nasabing barangay.
Ayon sa Coast Guard Sub-Station Cajidiocan, lumubog ang asul at puting motorbanca ng biktima humigit-kumulang anim na nautical miles ang layo mula sa baybayin.
Agad na nagkasa ng search and rescue operation ang PCG katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Cajidiocan.
Naisagip si Roco na nasa maayos na kalagayan at walang anumang pinsala sa katawan.
Naiahon din at hinila patungong Port of Cajidiocan ang kanyang bangka.
Batay sa salaysay ni Roco, nasira ang gilid ng kanyang bangka habang hinihila ang kanyang lambat pauwi matapos tamaan ang tagiliran ng bangka ng isang hindi matukoy na marine animal.
Ito ang naging dahilan ng mabilis na pagpasok ng tubig sa kanyang sasakyang pandagat.
Nang mapansing lumalala na ang sitwasyon, mabilis na nakipag-ugnayan si Roco sa kanyang pamilya, na agad namang humingi ng saklolo sa mga awtoridad.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

