Sugatan ang dalawang katao sa salpukan ng isang sport utility vehicle (SUV) at cargo truck na may kargang LPG tanks sa kahabaan ng National Highway, Purok 16, Barangay Polonuling, Sabado ng hapon, Abril 25.
Batay sa paunang ulat ng Tupi Municipal Police Station, binabagtas ng cargo truck ang northbound lane patungong Koronadal City, habang ang SUV naman ay nasa kabilang direksyon.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing biglang lumipat sa kabilang linya ang SUV, na nagdulot ng direktang banggaan nito sa paparating na truck.
Dahil sa lakas ng impact, nasugatan ang driver at isang pasahero ng SUV.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Nagpatupad naman ng traffic management ang pulisya ng Tupi habang isinasagawa ang imbestigasyon sa lugar.
Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan na sangkot sa aksidente.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente.
Samantala, muling pinaalalahanan ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang mga ganitong aksidente.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown

