Nalubog sa lahar ang bahay at water refilling station na pag-aari ng mag-asawang magsasakang sina Bayan Patroller Anthony Manzano at Clarita Manzano sa Barangay Sta. Fe, San Marcelino, Zambales sa kasagsagan ng ulan na dulot ng Habagat noong August 9, 2026.
Tanging asul na bubong na lang ang makikita sa kanilang bahay.
Sa ulat, unang niragasa ng baha ang kanilang bahay at wala pang isang oras, pinasok naman ito ng lahar pati na ang katabing water refilling station na naipundar ng kanyang asawa matapos ang 20 taong pagtatrabaho sa Dubai.
Ayon sa may-ari ng lumubog na bahay, malaki ang kanilang panghihinayang dahil pangalawang beses nang nalubog ng lahar ang kanyang tinitirhan.
Unang nalubog ang kanilang ancestral home doon din sa Bgy. Sta. Fe nang pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991.
Ayon kay Jeffrey Paulo, Public Information Officer ng San Marcelino, pito ang totally damaged na bahay sa Bgy. Sta. Fe dahil sa lahar flow nitong kasagsagan ng habagat.
Sa Bgy. Sta. Fe rin naputol ang steel bridge at nasira ang dike dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog noong August 9 kaya maraming residente ang hirap sa transportasyon.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na kapag gumanda na ang panahon ay sisimulan nang itayo ang temporary wooden footbridge para makatawid ang mga residente.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

