Binawian na ng buhay ang golf rising star na si Jessica Bang sa edad na 18.
Batay sa ulat, si Jessica Bang ay nasawi sa edad na 18 dahil sa brain hemorrhage.
Nabatid na nag-collapse si Bang isang araw bago ang sasalihan sanang qualifying event sa Thailand nitong unang linggo ng Agosto. Agad itong isinugod sa ospital sa Bangkok kung saan nadiskubre ang kanyang brain haemorrhage.
Isinailalim sa emergency surgery si Bang at nanatiling nasa life support hanggang sa bawian ng buhay nitong Huwebes.
“The thoughts and prayers of everyone at the WPGA Tour of Australasia and the broader Australian golf community are with Jessica’s family, friends and all those who knew and loved her at this incredibly difficult time,” ayon sa statement.
====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

