May mahabang Facebook post ang Superstar na si Nora Aunor sa tulong na naibigay sa kanya ni Senator Bong Go.

Sa caption, sinabi ni Ate Guy na, “Personal ko pong naranasan kung papaano magmalasakit ang isang Sen. Bong Go.

“Panahon ng nagpunta po ako ng Malacañang para personal na tanggapin ang aking National Artist Award at pasalamatan si Former President Rodrigo Roa Duterte.
“Hindi po iyon ang naging huli, bagkus iyon po ang naging simula upang patuloy ko pong maranasan ang kanyang tunay na malasakit.

“Sino po ba si Sen. Bong Go?
“Isa po siyang tahimik at mahiyaing tao.
“Ayaw po niyang ipagmalaki ang marami nyang nagawa para sa milyong Pilipino sa pamamagitan ng Malasakit Center.

“Trabaho lang po ng trabaho yang si Sen Bong. “Siya po ang taong walang pinipiling lugar, walang pinipiling oras at lalong walang pinipiling katayuan sa buhay ng isang tao.
“Lahat po ng Pilipino para sa kanya ay mahalaga.

“Isa siyang tunay na tao na kung magserbisyo ay personal, harapan, hindi po para makita lang sa Facebook o TV .

“Hindi po pilit at higit po sa lahat ay serbisyong may malasakit.
“lyan po si Kuya Sen. Bong Go.”
Umani naman ng marKing comments at likes ang mahabang post ng Superstar.

Share.