Totoong may himala.
Ito rin ang pinanghahawakan ni Ate Gay na malapit nang matapos ang gamutan sa kanyang karamdaman — Stage 4 mucoepidermoid cancer.
Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, partikular na itinatangi ng stand-up comedian ang dalawa sa maraming himalang nagpatotoo sa kanya.
Ito’y ang mga taong tumulong upang bumuti ang kanyang kalagayan mula nang masuri siyang may cancer.
Isa sa kanila si Chaye Cabal-Revilla, chairperson ng Gabay Guro at misis ni Bacoor City Mayor Strike Revilla.
Ito raw ang gumastos sa ospital at mga gamot niya sa Asian Hospital mula day 1 hanggang sa kasalukuyan.
Sa immunotherapy pa lamang daw na 12 sessions ay napakamahal na (P346K kada session).
Nakilala raw ni Ate Gay si Revilla dahil madalas siyang kunin para mag-perform sa mga programa ng Gabay Guro.
Pagdating naman kay Heart Evangelista, ito raw ang sumasagot sa daily expenses ni Ate Gay.
Si Heart daw mismo ang kumontak sa kanya.
May buwanang biyaya raw na ibinibigay ang aktres sa kanya.
Asahang isa sa mga araw na ito’y matatapos na ang gamutan ni Ate Gay.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

