Sinusulat ang item na ito, tila wala pang post si Andrea Brillantes ng kahit isang larawan nila ng dyowang si Franchesko Juan Capistrano na magkasama sa Africa.
Bagama’t alam ng mga netizen na si Franchesko ang karay o “plus one” ni Andrea sa trip nito sa Tanzania, East Africa wala pang nasisilip ang mga netizen ng anumang bahagi ng katawan ng basketbolista.
Mas ginugol ni Andrea ang kanyang IG post sa mga pose niya sa bangka, ilang bahagi ng resort at ang pagtatampisaw nila ng kaibigang si Danica Antengco.
Nagtungo si Andrea sa South Africa para sa shoot ng ini-endorso nyang Guess brand dito sa Pinas.
Imbitado rin si Danica bilang content creator.
At dahil may same-vibe ang mga photo shot ni Franchesko sa resort kung saan naka-stay sina Andrea, sa Chuini Ruins Zanzibar South Africa, madaling natunugan ng mga netizens na magkasama ang dalawa.
Mas abala si Andrea na ibida ang mga locals ng Africa gaya sa latest vlog nya, na habang nagsasayaw biglang pumasok ang mga local naka-traditional outfit.
Wala atang balak ang magkasintahan na mag-share ng mga photos na magkasama sila sa Tanzania.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

