Mismong si Dennis Trillo ang nag-post sa Facebook na naaksidente ang kanyang anak na si Calix Ho.
Si Calix ay ang nag-iisa nilang anak ni Carlene Aguilar.
Ayon sa FB post ng Kapuso actor, na ngayon ay deleted na, nakatulog daw ang anak while driving.
“Kaninang 5 am, nakatulog habang nagda-drive mag-isa ang panganay ko. Bumangga siya sa island at tumaob ang kotse… total wreck!”
Bagama’t sumalpok ang sasakyan, si Calix simply sustained bruises.
Mabuti daw at walang nadamay o nadisgrasya pa.
Ani Dennis: “Walang tinamaang ibang kotse o ibang tao.”
Mga pasa sa ulo at braso ang tinamo ni Calix bukod sa namagang kaliwang kamay.
Aminado ang aktor na hindi lahat ay nakaka-come out lucky and unscathed mula sa car accident, kaya masuwerte daw ang anak.
Pero may leksyon na ibinahagi si Dennis para na rin sa lahat ng mga motorista: “Pag inaantok, huwag piliting mag-drive. Puwedeng mag-stop over muna para mag-unat o umidlip.”
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
