UMANGAT ng isang pwesto si Filipina tennis star Alex Eala sa pinakabagong Women’s Tennis Association (WTA) rankings, kung saan pumalo na siya sa World No. 69.
Sa kabila ng kanyang maagang pagkalaglag sa unang round ng Italian Open matapos talunin ni Marta Kostyuk, napanatili ni Eala ang kumpetisyon sa world rankings at napatatag ang momentum ng kanyang pag-angat.
Sa doubles category ng naturang torneo, nakapareha ni Eala ang American tennis star na si Coco Gauff, na ngayon ay umangat naman sa World No. 2 makaraang marating ang finals ng singles event.
Bagama’t natalo kay Jasmine Paolini ng Italy sa score na 6-4, 6-2, tumaas pa rin ang ranggo ni Paolini sa ika-4 na pwesto sa buong mundo.
Samantala, nananatiling World No. 1 si Aryna Sabalenka kahit na nadiskaril sa quarterfinals ng Italian Open matapos ang nakakagulantang na talo kay Zheng Qinwen ng China, 4-6, 3-6.
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak

