Malaking premyo ang naghihintay para kay Filipina tennis star Alex Eala sa kanyang pagsabak sa US Open ngayong taon.
Aabot kasi sa US$5.5 milyon o humigit-kumulang P340 milyon ang makukuha ng mananalo sa women’s singles event ng US Open 2026.
Parehong matatanggap ng kampeon sa men’s at women’s singles ang naturang halaga.
Itinaas ng United States Tennis Association ang kabuuang prize purse ng torneo sa US$108 milyon, pinakamalaki sa kasaysayan ng US Open.
Bukod sa malaking premyo para sa kampeon, makatatanggap din ng malaking halaga ang mga manlalarong aabot sa iba’t ibang yugto ng torneo.
Narito ang papremyo sa US Open 2026 Women’s/Men’s Singles:
Champion: US$5.5 milyon
Runner-up: US$2.8 milyon
Semifinalists: US$1.45 milyon
Quarterfinalists: $780,000
Round of 16: US$480,000
Round of 32: US$290,000
Round of 64: US$190,000
Round of 128: US$190,000
Panibagong pagkakataon ang haharapin ni Eala sa Flushing Meadows at kung makakamit niya ang pinakamalaking titulo sa kanyang career, kasama nga nito ang napakalaking premyong US$5.5!
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

