NAGPAKAWALA ng ng tubig ang dalawang dam sa Bulacan—Ipo dam at Bustos dam.
Ang malakas na pag-ulan ay nagdulot ng pagtaas ng antas ng tubig sa Ipo Dam at Bustos Dam, na umabot sa kanilang spilling levels noong Biyernes, dahilan upang magpakawala ng tubig patungo sa mga ilog sa ibabang bahagi ng sistema.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan, hanggang alas-una ng hapon kahapon (Sabado), umabot na sa one-hundred-one point sixty-three meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam — point sixty-three meters na mas mataas sa spilling level nito — at naglalabas ng humigit-kumulang three hundred twenty-three cubic meters per second (CMS) ng tubig patungo sa ilog na dumadaloy sa Bustos Dam.
Dagdag pa ng PDRRMO, ang Angat Dam ay na-monitor na may antas na one-hundred ninety five point twelve meters hanggang alas-
dos ng hapon kahapon, na sixteen point eighty-eight meters pa ang kulang sa normal na high water level tuwing tag-ulan.
Samantala, ayon kay Enrique Carlos, manager ng National Irrigation Administration – Bulacan Irrigation Management Office na nangangasiwa sa Bustos Dam, hanggang alas-dos ng hapon kahapon, ang mga sluice gates ng dam ay naglalabas ng one-hundred forty-one cubic meter per second ng tubig, bukod pa sa three-hundred fifteen CMS na umaapaw mula sa coffer dam, kaya’t kabuuang four-hundred fifty-six CMS ang dumadaloy sa ilog sa ibabang bahagi.
Ang tubig na inilalabas mula sa dalawang dam ay dumadaloy sa mga ilog na tumatahak sa mga bayan ng Bustos, San Rafael, Baliwag City, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Hagonoy, at patungo sa Manila Bay.
Pinayuhan at binalaan na noong Biyernes ang mga residente sa mga nabanggit na lugar, sa pamamagitan ng kani-kanilang lokal na pamahalaan, hinggil sa pagtaas ng tubig sa ilog na maaaring makaapekto sa mga mabababang lugar, ayon pa kay Carlos. (Andy de Guzman)

