Hindi kailangang magpakita ng certificate of indigency ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad upang makatanggap ng humanitarian assistance, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tungkulin ng mga lokal na pamahalaan (LGU) na tukuyin at suriin ang bilang ng mga indibidwal at pamilyang naapektuhan sa kanilang lugar.
Sinabi niyang nagbibigay naman ang DSWD ng karagdagang tulong at technical assistance sa mga LGU upang mas mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
“Ito po ay hindi nangangailangan ng certificate of indigency para sa mga humanitarian assistance and disaster response efforts po natin,” ani Dumlao.
Pagsapit ng Martes ng hapon, umabot na sa mahigit ₱1.2 bilyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga komunidad na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.
Kabilang dito ang humigit-kumulang 1.9 milyong family food packs, ready-to-eat food boxes, non-food items at ₱14.4 milyon na financial assistance para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan.
Tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang pakikipagtulungan nito sa mga LGU upang matukoy ang karagdagang pangangailangan at agad na maibigay ang tulong sa mga apektadong pamilya.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

