Nasawi ang 58-anyos na lola at ang apat na buwang gulang nitong apo nang banggain ng sports utility vehicle ang sinasakyan nilang “kulong-kulong” sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng SUV ang isang barangay road nang pumasok sa diversion road ang kulong-kulong—isang uri ng tricycle—at naganap ang banggaan.
Sugatan din ang dalawa pang sakay ng kulong-kulong, kabilang ang driver. Nakaligtas naman ang nagmamaneho ng SUV.
Ayon sa pulisya, nagkaroon na ng pag-uusap ang mga sangkot sa insidente. Hindi naman tinukoy sa ulat kung may isasampang kaso habang patuloy na inaalam ang buong pangyayari.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

