Isang ipo-ipo ang nanalasa sa Bgy. Punta Waling-Waling Dalisay, Donsol, Sorsogon Sabado ng umaga, Agosto 22, 2026.
Sa video ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Donsol, kita ang ipo-ipo galing sa dagat papunta sa mga bahay. Makikita rin ang pagliparan ng mga debris mula sa mga bahay na dinaanan nito.
Ayon kay Armand Bryan Garrido, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Donsol, wala namang residente na nasaktan sa halos dalawang minutong pagdaan ng ipo-ipo pero nasa tatlong bahay ang nagtamo ng minor damage.
Patuloy pa ang assessment ng MDRRMO Donsol sa posibleng epekto pa ng ipo-ipo.
“On going ang consolidation, mamaya ipapasa naming sa DSWD,” dagdag ni Garrido.
Ayon kay Garrido, nabigla ang mga residente sa kanilang nakita lalo’t unang beses lang na nakaranas ng ganitong phenomenon ang mga residente.
Agad naming tumugon ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga residente para masiguro ang kanilang kaligtasan.
“Rare ito saamin, actually ngayong lang kami naka-record nito,” dagdag ni Garrido.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

