Nasawi ang isang babae nang pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa gilid ng isang simbahan sa Barangay Inarawan, Antipolo City.
Naganap ang pamamaril 11:55 ng gabi noong Martes, sa tabi ng Seminario Church.
Ayon sa pulisya, nakatayo umano ang biktima sa madilim at maulang paligid nang biglang lapitan at pagbabarilin ng apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa matukoy na direksiyon.
Isinugod ang biktima sa Mambugan Hospital para malapatan ng lunas, ngunit idineklarang dead on arrival.
Hindi pa rin nakikilala ang biktima, ngunit may suot itong dog tag na may pangalang “Aiza,” habang hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, kabilang ang pagkuha ng mga pahayag ng saksi, CCTV backtracking at scene assessment.
Isinailalim din sa autopsy ang mga labi ng biktima para makatulong sa pagtukoy sa sanhi at iba pang detalye ng insidente.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

