Umabot sa 50 school-related incidents na kinasasangkutan ng mga menor de edad ang naitala ng Philippine National Police (PNP) mula Hunyo 16 hanggang Agosto 18, kung saan 40 sa mga kaso ay may kaugnayan sa iba’t ibang uri ng pagbabanta.
Batay sa datos ng PNP, pinakamarami ang 26 bomb threats, sinundan ng 12 shooting threats at dalawang death threats.
Naitala rin ang apat na stabbing incidents, apat na kaso ng umano’y illegal possession of firearms at dalawang aktuwal na insidente ng pamamaril.
Kabilang sa dalawang pamamaril ang nangyari noong Agosto 18 sa Ateneo de Zamboanga University, kung saan isang Grade 10 student at ang estudyanteng pinaghihinalaang namaril ang nasawi. Dalawa pang estudyante ang nasugatan, ayon sa mga awtoridad.
Kasunod ng insidente, muling nanawagan si Interior Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na repasuhin at higpitan ang mga umiiral na batas sa baril, partikular ang pananagutan ng mga gun owner kapag ang kanilang rehistradong armas ay napunta at nagamit ng menor de edad.
Sinabi rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kailangang palakasin ang pagpigil sa pagpasok ng armas sa mga paaralan at ang pananagutan ng mga may-ari nito sa gitna ng magkakasunod na insidenteng may kinalaman sa school violence.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

