Arestado ang limang katao at nakumpiska ang humigit-kumulang P6.5 milyong halaga ng mga ilegal na sigarilyo sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Maricalum, Sipalay City, Negros Occidental noong Sabado, Agosto 15.
Nahuli sa aktong nagbababa ng mga kontrabando mula sa isang banca ang mga suspek na pawang mga residenteng nagmula pa sa Basilan at Zamboanga City.
Isinagawa ng pinagsamang puwersa ng CIDG Negros Occidental Provincial Field Unit, Regional Maritime Unit, at iba pang lokal na yunit ng pulisya ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 129 master cases at 49 reams ng mga sigarilyo.
Ayon sa mga awtoridad, lantarang lumabag ang mga nasamsam na produkto sa Republic Act No. 10643 o ang “Graphic Health Warnings Law” dahil sa kawalan ng mga kailangang larawan at babalang pangkalusugan sa pakete nito.
Ayon sa mga awtoridad isa umano itong paglabag sa batas para protektahan ang kalusugan ng publiko at palakasin ang kamalayan laban sa panganib ng paninigarilyo, pati na rin ang pagprotekta sa mga mamimili laban sa mga ilegal at substandard na produktong tabako.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang ebidensya.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

