Iginiit ni TGP party-list Rep. Jose “Bong” Teves na kung may nakakulong sa flood control projects, panahon na para may makasuhan at may maipakulong na sangkot sa anomalya sa basura na naging sanhi ng matinding pagbaha lalo na sa Metro Manila.
Sa kanyang privilege, kinastigo din ni National Solid Waste Management Commission dahil mistulang inutil ang mga ito sa pagpapatupad ng Republic Act (RA) 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act of Year 2000”.
“Mr. Speaker, if we already have the law, then why are we still foiling to implement it? The problem is implementation, the problem is enforcement, the problem is coordination. And in many instances, the problem is government inefficiency,” ani Teves.
May hinala ang mambabatas na sinasadya na hindi iniimplement ang nasabing batas dahil merong kumikita sa basura dahil sa isiniwalat ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na may corruption sa basura sa ilang malalaking siyudad sa Metro Manila.
“May katotohanan ba ang isiniwalat ni Ombudsman Boying Remulla na may ibang malalaking siyudad ay may corruption dahil sa basura? Sinasadya nilang hindi patupad ang kanilang solid waste management plans despite their capability dahil mas kumikita sila sa kanilang garbage hauler na per trip or per tracks basis ang kitaan,” ani Teves.
“Mr. Speaker, kung mayroong kasabihan na may pera sa basura, mayroong din corruption sa basura. At kung may katotohanan ang mga sinasabi ni Ombudsman Remulla, dapat may makasuhan at nakukulong din dahil sa basura,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa ngayon aniya ay isinisisi lang sa palpak na flood control projects ang pagbaha, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa ibang lugar sa bansa subalit ang katotohanan ay ang basura ang isa sa pangunahing dahilan ng pagbaha.
Dahil dito, kailangang habulin na aniya ang mga sangkot sa anomalya sa basura “sapagkat ang problema sa basura at problema sa flood control ay may iisang resulta lamang parehong lubog ang taong bayan”.
Kinalampag din ng mambabatas ang bagong talagang Secretary ng Department of Environment and Nutral Resouces (DENR) at chairman ng Solid Waste Management Commission na si Atty. Juan Miguel Cuna na ipatupad ang batas na ito na 26 taon nang wala umanong silbi dahil habang tumatagal ay lumalala ang problema sa basura lalo na sa Metro Manila.
Hinamon din ni Teves si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na siyang may hurisdiksyon sa mga Local Government Units (LGUs) na tiyaking maipatupad ang batas na ito lalo na sa Metro Manila.
“Dapat magtulungan at umaksiyon na tayo agad-agad. Wag na natin hintayin ang magkaroin pa ng panibagong bagyo o habagat at para ayusin ang problema natin sa basura. Our government shall be proactive, not reactive,” ayon pa kay Teves.
Umaasa din ito na maglunsad si Ombudsman Remulla ng imbestigasyon sa sinasabi nitong katiwalian sa basura ng ilang lungsod sa Metro Manila upang mapanagot ang mga ito sa pagdudusa ng taumbayan dahil sa baha.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

