Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang steel manufacturing plant sa Barangay Ilang, Bunawan, Davao City dahil sa paggawa ng substandard na bakal at ilegal na paggamit ng radioactive materials.
Isinagawa ang operasyon nitong Huwebes, Agosto 13 sa bisa ng search warrant na inilabas matapos ang imbestigasyon ng NBI sa umano’y paglabag ng naturang pasilidad.
Nakumpiska at sinuri ng mga awtoridad ang mga bakal at iba pang materyales sa loob ng planta ng Davao Mighty Steel Corporation.
Sa technical examination, nakumpirma umano ang presensiya ng radioactive isotopes gaya ng Uranium-238, Thorium-228, Thorium-232 at Radium-226 sa iba’t ibang bahagi ng operasyon.
Bukod sa umano’y substandard na mga produktong bakal, natuklasan din ng mga awtoridad ang posibleng panganib na dulot ng radioactive materials sa loob ng pasilidad.
Aabot naman sa 174 na Pilipinong nagtatrabaho sa warehouse ang nasagip sa isinagawang operasyon.
Ayon naman sa ulat ni Edwin Balasa ng Abante, lumabas din sa pagsusuri ng PNRI na walang kaukukang lisensiya o awtoridad ang kompanya para humawak, mag-imbak, gumamit o magbenta ng nuclear o radioactive materials.
Natuklasan din ng awtoridad na ang mga bakal na ibinebenta ay ginamit sa ilang mga paaralan, establisyimento, ospital, barangay health center at residential structure na gumuho sa naganap na magnitude 7.8 sa Mindanao noong Hunyo 8.
=====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

