Nasawi ang 67-anyos na lola nang masalpok ng tren ang sinasakyan niyang motorized trolley sa Barangay Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon noong Martes.
Ayon sa Pagbilao MPS, sakay ang biktima kasama ang 70-anyos na operator ng trolley nang salubungin sila ng PNR train na bumiyahe mula Tagkawayan patungong Lucena City.
Nangyari ang insidente sa isang kurbadang bahagi ng riles na makapal ang mga halaman, kaya umano limitado ang visibility ng operator at hindi agad nakaiwas sa paparating na tren ang trolley.
Pumailalim sa tren ang biktima at nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan.
Agad itong isinugod ng PNR personnel at MRRMO Pagbilao sa Quezon Medical Center ngunit DOA na ito.
Nangako ang PNR ng financial at humanitarian assistance sa pamilya ng nasawi.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

