Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng National Bureau of Investigation (NBI) at representante ng Philippine Dental Association (PDA) ang 3 Vietnamese National sa isinagawang operasyon sa Brgy. Tipolo, Mandaue City, Cebu.
Ang nasabing operasyon ay nagsimula matapos makatanggap ng reklamo ang Philippine Dental Association (PDA), Mandaue Chapter, sa umano’y ilegal na pagsasagawa ng dentistry ng mga nasabing dayuhan.
Kung saan nahuli ng mga otoridad ang mga suspek habang nagsasagawa ng tooth extraction nang walang kaukulang dokumento kagaya ng Certificate of Registration, Professional Identification Card, at special permit na iniisyu ng Professional Regulatory Board of Dentistry of the Philippines.
Kaugnay nito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9484 o ang The Philippine Dental Act of 2007 ang mga naarestong dayuhan
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

