Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo na sakay ng passenger vessel sa Zamboanga City nitong Biyernes, Agosto 7.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang mga assorted na sigarilyo ay nadiskubreng nakatago sa iba’t ibang lugar sa barko kasunod ng K9 security inspection.
Tinatayang nasa P3,058,600 ang halaga ng nasamsam na kontrabando.
“The operation stemmed from intelligence information that alleged undocumented imported cigarettes were bound for Zamboanga City,” ayon sa PCG.
Aminado ang apat na crew member sa Zamboanga International Seaport na tinanggap nila ang naturang kontrabando sa barko, bagamat tumanggi ang mga ito na pangalanan ang may-ari.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab ay inihahanda na nila ang kaso sa mga sangkot na indibidwal sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act.
Mahaharap din ang mga suspek sa reklamong paglabag sa RA No. 8424, o National Internal Revenue Code, at RA No. 10643, o Graphic Health Warnings Law.
Idinagdag pa ni Cayabyab na pinagmulta ng P40,000 ang pamunuan ng barko sa pamemeke ng dokumento, cargo contents, at security details at inisyuhan ng enforcement inspection apprehension report.
“The vessel management was also issued an enforcement inspection apprehension report for fraudulent entry in its maritime declaration of security and departure documents and was fined ₱40,000 for the violation,” sinabi ni Cayabyab.
Itinurn-over na sa PCG Investigation and Detection unit sa Southwestern Mindanao ang mga nakumpiskang sigarilyo “for safekeeping and proper disposition.”
==
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

