Nalubog sa baha ang 13 barangay sa limang munisipalidad sa Oriental Mindoro dahil sa malalakas na ulan dulot ng Habagat, nitong Sabado, Agosto 8.
Iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang sitwasyon ng baha alas-4 ng hapon, kung saan ang baha ay umabot pa ng tatlong talampakan sa ilang lugar.
Sa Puerto Galera, ang Barangay Sto. Nino ay nanatiling lubog sa baha kung saan umabot pa ito ng tatlong talampakan.
Nalubog din sa malalim na baha ang Barangay Lumangbayan sa San Teodoro sa isang talampakan, Ilag sa 0.5 foot at Poblacion sa isang talampakan ng baha.
Apektado rin ng mga pagbaha ang apat na barangay sa Baco partikular ang Barangay Alag, Brgy. Burbuli, Brgy. Mangangan I at Mayabig.
Lubog din sa baha ang Barangay Mabini at Barangay Urdaneta sa Victoria.
Samantala, nakapagtala ng 0.5 foot na baha ang Barangay Bagumbayan I at Morente sa Bongabong.
Hinimok ng PDRRMO ang mga residente sa flood-prone communities na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng barangay at munisipyo.
===
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

