Nasakote sa Pagbilao, Quezon ang isang lalaki na umano’y sangkot sa “rent-tangay” modus matapos ma-trace sa GPS ang inuupahang sasakyan na hindi na ibinalik sa may-ari.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jayson Solano, 31 taong gulang, residente ng Zambales.
Ayon sa imbestigasyon, inupahan ng suspek ang Toyota Vios ng biktimang si Jonel Isidro, noong July 31 sa loob lamang ng isang araw, ngunit hindi na ito naibalik.
Hindi na rin ito makontak kaya agad na iniulat ang insidente sa Olongapo City Police Office.
Sa tulong ng GPS tracker ng sasakyan, natunton ito ng mga tauhan ng Pagbilao Municipal Police Station sa National Road, Barangay Ikirin, kung saan sinubukan pang tumakas ng suspek matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa isang konkretong poste.
Ayon kay PMaj Arjon Oxina, hepe ng Pabilao police, iniwan ng suspek ang sasakyan at tumakbo ngunit agad din siyang naaresto ng mga rumespondeng pulis at dinala sa himpilan para sa dokumentasyon at imbestigasyon.
Nai-turn over na rin ng suspek at ang nakuhang sasakyan sa Olongapo City Police Office para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.
===
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

