Tinatayang P40,000 cash at iba pang mahahalagang personal na gamit ang tinangay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nagpanggap na mga kostumer sa isang tindahan sa Barangay Maltana, Tampakan, South Cotabato noong Sabado, Agosto 1.
Batay sa ulat ng Tampakan Municipal Police Station, 2:15 ng hapon nang i-report ng may-ari ng tindahan na si Arianne Grace Teves, 38 taong gulang, ang pagkawala ng kanyang itim na Kipling sling bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera at iba pang mahahalagang gamit.
Sa isinagawang imbestigasyon at pagsusuri sa CCTV footage, nakita ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na pumasok sa tindahan.
Isa sa mga suspek ang nagpanggap na bibili ng kendi upang ilihis ang atensyon ng may-ari, habang palihim namang kinuha ng kanyang kasamahan ang sling bag.
Bukod sa tinatayang P40,000 na cash, laman din ng bag ang isang cellphone, mga identification card, ATM card, at iba pang personal na gamit.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek.
Samantala, muling pinaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga may-ari ng negosyo, na maging mapagmatyag laban sa mga kriminal na gumagamit ng pagpapanggap bilang kostumer upang makapagnakaw.
===
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

