Nasawi ang magkapatid nang mabagsakan ng malaking tipak ng bato sa Sitio Kayrupa, Wawa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules.
Kinilala ang mga biktima na sina Urilyn at Jessie.
Sa ulat, 12:20 ng tanghali nang gumulong ang malaking bato mula sa mataas na bahagi ng bundok at tumama sa mga biktima.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO, BDRRMO, at iba pang lokal na awtoridad upang isagawa ang retrieval operation at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagguho ng malaking bato at kung may iba pang panganib na maaaring idulot sa mga kalapit na komunidad.
Samantala, agad na nagkaloob ng cash assistance si Barangay San Rafael Chairperson Judith Cruz sa pamilya ng mga nasawi bilang paunang ayuda sa kanilang agarang pangangailangan.
Inihayag din ng pamahalaang barangay na maaaring pansamantalang tuluyan ng mga residenteng boluntaryong lilikas ang Wawa Covered Court at Diliman Covered Court habang patuloy ang pakikipag-ugnayan sa DENR, PAMB, Pamahalaang Bayan ng Rodriguez, Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at iba pang ahensya upang matugunan ang banta ng pagguho sa mga danger zone.
Kasabay nito, muling nanawagan ang mga lokal na opisyal sa mga residente na sundin ang mga abiso ng mga awtoridad at agad na lumikas kung kinakailangan upang maiwasan ang panibagong trahedya.
====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

